Higit 500,000 Katao sa Rehiyon Dos, ’Fully Vaccinated’ na

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 500,000 katao ang nabigyan ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng National Vaccine Operations Center (NVOC) as of September 1, 2021, mayroon ng 564,247 indibidwal mula sa rehiyon dos ang naturukan ng second dose o kumpletong COVID-19 vaccine.

Nasa 564, 247 indibidwal naman ang nabakunahan na ng first dose ng anti-COVID-19 vaccine.


Dagdag dito, umaabot na rin sa 1,133,800 na COVID-19 vaccines ang naibigay na sa rehiyon dos na kinabibilangan ng mga bakunang Sinovac (703,160), AstraZeneca (214,300), Gamaleya (13,200), Pfizer (26,910), Moderna (57,080) at Janssen (119,150).

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang vaccination rollout sa mga nasa A2, A3 at A4 priority group sa Rehiyon dos.

Facebook Comments