Higit 500,000 OFWs, na-repatriate na sa harap ng COVID-19 pandemic – Bello

Umabot na sa higit kalahating milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, aabot sa 519,566 repatriated OFWs ang nakauwi sa kanilang mga probinsya.

Nasa 49,742 ang naghihintay na ma-repatriate, habang 78,519 ang nanatili sa kanilang host country.


Ang DOLE ay nakapagbigay ng financial assistance sa 9,667 OFWs na nagkakahalaga ng ₱96.7 million.

Nasa 125,112 OFWs ang nakatanggap ng food and medical assistance.

Ang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ay nakapag-abot ng higit 5 billion pesos sa higit 500,000 OFWs.

Facebook Comments