Higit 500K family food packs para sa maaapektuhan ng Bagyong Paeng, handa na – DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan nito sa pagtama ng Bagyong Paeng.

Ayon kay DSWD Usec. Eduardo Punay, kaninang umaga pa lamang ay naka-preposition na sa mga strategic areas ang aabot sa 561,259 na family food packs na nagkakahalaga ng P352 million.

Maliban dito, nakapuwesto na rin ang iba pang food and non-food items na nagkakahalaga naman ng P689 million na ipamamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.


Samantala, handa na rin ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagde-deploy ng mga grupong magsasagawa ng restoration sa mga linyang maaapektuhan ng Bagyong Paeng.

Pinagana na rin ng NGCP ang overall command center nito na 24 oras na magbabantay sa posibleng epekto ng bagyo.

Una nang nagdeklara ng “red alert” ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyo.

Facebook Comments