HIGIT 500K NA HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA ISANG WATER DELIVERY BOY SA BAYAN NG LINGAYEN

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakumpiska sa isang water delivery boy ang libu-libong halaga ng shabu matapos isagawa ang isang buy-bust operation ng pinagsama-samang tulong ng PNP, PDEA at iba pang awtoridad madaling araw kahapon ng ika-31 ng Mayo sa Brgy. Poblacion, bayan ng Lingayen.
Nakilala ang suspek na si Mark Vincent Diaz, 25-anyos, residente ng Brgy. Lucao District sa Dagupan City.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Police Provincial Office Information Officer Renan Dela Cruz, nahuli ang suspek matapos ipagbigay alam sa kanilang tanggapan na ang suspek ay gumagawa ng iligal na gawain kung saan napag-alaman na isa itong drug dealer.

Nakuha sa suspek ang nasa 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544, 000, marked money, cellphone, isang motor at iba pang drug paraphernalia.
Sa ngayon, temporaryong naka-ditine ang suspek sa Lingayen Police Station at sumailalim din ito sa iba’t eksaminasyon at para sa pagpapatuloy ng malalimang imbestigasyon dahil ayon pa kay Dela Cruz, tinitignan pa kung may iba itong kasama sa paggawa ng ilegal at upang malaman kung saan nanggaling ang droga at kung sino ang amo nito.
Inihahanda na rin ang kasong ipapataw sa suspek na Republic Act No. 9165 o dangerous drugs act of 2002.
Aniya pa, patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ang Pangasinan PNP upang bantayan at masugpo na ang ganitong iligal na gawain. | ifmnews 
Facebook Comments