Nag-iwan ng matinding pinsala sa kalakhang Ilocos ang magkakasunod na mga bagyo sa nitong mga nakalipas na araw.
Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, pumalo sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan sa rehiyon.
Pagtitiyak ng tanggapan ang tulong at alalay sa mga nasalanta, partikular ang pamamahagi ng mga Food at Non-Food items, maging iba pang tulong para sa mga apektado.
Sa ngayon, libo-libong mga FNFI na rin ang naipamahagi, at patuloy pa ang isinasagawang monitoring at assessment ng awtoridad upang matulungan sa pagbangon ang mga apektadong residente sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









