HIGIT 52K NA RESIDENTE NG SAN FERNANDO CITY LA UNION, NAKAPAG PAREHISTRO NA SA COVID-19 VACCINATION PROGRAM

UMABOT na sa 52, 144 ang bilang ng mga residente ng San fernando city ang nagparehistro sa COVID-19 Vaccine Management System ng lungsod.

Sa nasabing bilang 28, 604 dito o 55% ang nabakunahan na kontra sa nakakahawang sakit.

Nagsimula na ring magbakuna ang lungsod sa mga magsasaka, market vendors, tricycle drivers at iba pang miyembro ng A4 population.


Patuloy naman na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang A1-A4 ng San Fernando city na magparehistro upang maabot ang herd immunity.

Samantala sa huling datos nasa 116 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID19 sa lungsod.

Facebook Comments