HIGIT 54K NA KABUUANG HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAKOTE SA MAGKAKASUNOD NA BUY BUST OPERATION SA LA UNION

Nasakote ng awtoridad ang higit 54,000 pesos na kabuuang halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlong magkakasunod na buy bust operation sa La Union.
Unang natimbog ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 34,000 pesos sa bahagi ng Bauang, La Union kung saan arestado ang isang 59 anyos na lalaki.
Sunod naman sa San Fernando City kung saan nakumpiska ang nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 13,600 pesos mula sa isang 45 anyos na security guard.
Huli din sa buy bust operation ang isang 53 anyos na vendor sa Agoo matapos na makumpiska mula rito ang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6,800 pesos.
Sa tamang disposisyon na ang mga naturang suspek maging ang mga nakalap na ebidensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments