Higit 57,000 Isabelenos, Nakatanggap na ng 1st doses ng COVID vaccine

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 57,909 Isabeleños o 3.72% mula sa kabuuang populasyon ng probinsya ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Integrated Provincial Health Office.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan, mula sa mga nabakunahan, 83.86% ang kabilang sa Priority Eligible Group A1 o ang mga frontline health workers;13.92% mula sa A2 o senior citizens at 37.42% mula naman sa A3 o persons with comorbidities.

Sinabi naman ni Dr. Arlene Lazaro, Chairperson ng Vaccination Program Operation Center, ang vaccination team ay magsisimula na ring magbakuna ng second dose sa mga frontline health workers at iba pang mga prayoridad na grupo.


Batay sa datos mula sa National Health Immunization Program Coordinator Chamille Claravall, nakapagbakuna na sila o 16.47% mula sa kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa unang dose.

Kabilang sa Priority Eligible Group A2 at A3 ang mga Department Heads ng PLGU Isabela ang nakatanggap na ng second dose ng bakunang Sinovac.

Sa ilalim ng “Isabela Bida, Handa sa Bakuna” program, hinihikayat ang publiko na magpabakuna ng libre kapag sila na ang sasailalim sa schedule ng pagbabakuna mula sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs).

Facebook Comments