HIGIT 57K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NAKUMPISKA SA MAGKAKASUNOD NA OPERASYON SA ILOCOS NORTE

Nakumpiska ng hanay ng pulisya kasama ang PDEA RO1 ang nasa 57,800 pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa magkakasunod na isinagawang buy bust operation.

Unang nakumpiska ang nasa 1 gramo ng hinihinalang shabu sa Brgy. Salanap, Pinili, na may kabuuang halaga na nasa 6,800 pesos.

Sunod na nakumpiska ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu sa Solsona na nagkakahalaga naman ng nasa 20,400 pesos.

Habang nakumpiska rin ang nasa 4.5 gramo ng hinihinalang shabu sa Laoag City na nagkakahalaga ng 30,600 pesos.

Nagresulta naman ang magkakasunod na operasyon sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments