Higit 58-K na pasahero sa mga pantalan, naitala sa mismong araw ng Pasko

Photo Courtesy: PCG

Mahigit 58,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan hanggang kahapon o sa mismong araw ng Pasko.

Batay sa datos ng PCG, pinakamarami ang naitalang outbound passenger na 31,000 habang 27,000 naman ang inbound passengers.

Karamihan sa mga ito ay umuuwi sa kani-kanilang probinsya upang magdiwang ng Pasko at samantalahin ang mahabang holiday weekend kasama ang pamilya.


Samantala, ngayong hapon ay nakapagtala naman ang PCG ng 46,158 na pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Facebook Comments