Higit 58% ng kabuuang populasyon ng bansa, fully vaccinated na!

Umaabot na sa 45.2 milyon o 58.71% ng kabuuang target population sa bansa ang nakatanggap na ng 2nd dose ng bakuna kontra COVID-19.

Base sa National COVID-19 vaccination dashboard, 60.2 milyon naman o 78.06% ang nabigyan ng 1st dose.

Samantala, sa datos kahapon nang nagpapatuloy na malawakang bakunahan, 56.5 milyon ang naiturok na 1st dose habang aabot naman sa 41.5 milyon ang naturukan ng 2nd dose.


1.2 milyon naman ang nabigyan ng booster shot at umaabot sa 1.3 milyon ang naitalang daily average jabs kahapon, December 21, 2021.

Facebook Comments