Matagumpay na napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa higit limang libong mga residente mula sa lalawigan ng Pangasinan na lubhang naapektuhan ng bagyo at ng matinding pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Dito napamahagian ng tig P3,000 bawat isa ang 1, 000 na residente mula sa bayan ng Sta. Barbara, isang libong indibidwal rin sa Calasiao, isang libong residente sa Binmaley at Dagupan City na may benepisyaryong 2, 500 na tricycle drivers at tumanggap ang mga ito ng nasa P2, 000.
Ang tulong na ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamahalaan.
Ayon sa bawat Municipal Social Welfare and Development Office at CSWD ng mga nabanggit na lugar, natukoy ang mga benipisyaryong ito bilang mga residenteng nasalanta ng nagdaang bagyo an Egay at Falcon na nagdulot ng malawakang pagbaha sa mga ito.
Ayon naman sa bawat LGU, napapanahon ang tulong na ito dahil makakatulong ang pinansyal na kanilang natanggap na pambibili ng mga kailangang pagkain.
Bukod sa tulong pinansyal, napamahagian din ng masustansyang Nutribun, mga laruan at vitamins ang mga bata sa mula sa mga bayan at lungsod.
Dinaluhan ang naturang payout at inisyatibo ni Sen. Imee Marcos kung saan kasama rin ng senador ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan gaya na lamang ni Vice Governor Mark Lambino, Provincial Administrator Melecio Patague II, DSWD Regional Director Maria Angela Gopalan, PNP Region I Director PBGen. John Chua, PNP Pangasinan Provincial Director PCol. Jeff Fanged at marami pang iba.
#

Facebook Comments