Umaabot na sa kabuuang 6,870,054 doses ng anti COVID-19 vaccines ang naiturok sa ating mga kababayan.
Ayon kay National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito ay mula sa 9,329,050 doses na mga bakunang dumating sa bansa.
Sa nasabing bilang 1,445,489 na health workers ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang nasa 964, 781 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.
Sa mga senior citizen o A2 category, 1,726,381 na ang nakatanggap ng 1st dose at 471,426 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.
Sa hanay naman ng A3 category o may comorbidities, 1,715,098 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 412,246 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.
Nasa 127,614 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 7,020 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.
Sa ngayon, sinabi ni Dr. Arevalo na mayroong 5,014,582 ang naturukan ng 1st dose sa buong bansa habang nasa 1,855,472 na ang mga Pilipinong fully vaccinated.