Target ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makakamit ang 6.5 hanggang 7.5 percent full-year GDP growth rate ngayong 2024.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, kapag nagawa ito ng pamahalaan, ay tiyak na makalilikha ng maraming economic opportunities, tataas ang employment, at per capita income ng bansa
Dagdag pa ni Balisacan, lalakas din ang ekonomiya ng Pilipinas at magiging “upper-middle-income-country” pagsapit ng taong 2025.
Masusuportahan aniya ito sa pamamagitan ng mababa at manageable na inflation, pagbibigay ng mas maayos na kwalidad na trabaho, malakas na fiscal position, mababang deficit at utang at iba pa.
Ibinida rin ng kalihim na naging maganda ang performance ng ekonomiya ng bansa noong 2023 sa kabila ng mga kinaharap na hamon.
Tiwala si Balisacan na mahihigitan pa ito ngayon sa kabila ng mga hammon gaya ng global crisis, gulo sa ibang bansa, El Nino at iba pa.