Higit 60 distressed OFWs galing Middle East dadating sa bansa ngayong araw

Nasa higit animnapung Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dadating sa bansa ngayong araw.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division, ang 68 distressed OFWs ay magmumula sa Abu Dhabi, Dubai at Kuwait.

27 dito ay galing sa Abu Dhabi, 18 mula sa Dubai at 23 sa Kuwait.


Sasalubungin ang mga ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) repatriation team paglapag sa paliparan para alalayan sa customs at immigration documentation formalities.

Pansamantalang tutuloy sa OWWA halfway home ang mga OFWs na walang sundo at naninirahan sa malalayong lugar.

Habang inako naman ng OWWA ang lahat ng gastusin sa pasahe sa pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang mga tahanan o lalawigan.

Facebook Comments