Nasa 35 Chinese, 24 na Indonesian, 10 Malaysian st 47 Filipino ang inaresto sa scam hub sa Ermita, Maynila.
Nagsasagawa umano ang mga ito ng love at crypto currency scam.
Sa ginawang imbestigasyon, diskarte ng mga ito na kilalanin, kaibiganin at makikipag-relasyon sa biktima saka hihikayatin na mag-crypto currency.
Matapos makuha ang pera o maubos ang account ay biglang hindi na sila makokontak.
Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa Bureau of Immigration (BI) para malaman kung may permit o dokumento ang mga nadakip na foreign nationals habang inaalam na kung sino ang namumuno at nasa likod ng iligal na gawain.
Ang operasyon ay sa pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) .