Bahagi ito ng Fishery Technology Caravan ng ahensiya sa pamamagitan ng Provincial Fisheries Office nito sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay BFAR Regional Director Angel Encarnacion, minabuti aniya nilang magtungo sa nasabing lugar para makita ang kalagayan ng mga mangingisda sa lugar lalo at nagluwag na ang restriksyon sa pagbyahe sa isla.
Isinuhestiyon ni Encarnacion na dapat tingnan ng komunidad ang posibilidad na maghanap ng lugar sa isla kung saan pwedeng mag-venture sa aquaculture upang magkaroon ng alternatibo ang mga mangingisda lalo na kung ‘off season’ ng pangingisda sa dagat.
Sinabi naman ni Provincial Fishery Officer Jennifer Tattao, magsasagawa rin ang BFAR ng livelihood training para sa mga fisherfolk ng Babuyan Claro, isa sa mga isla ng Calayan Group of Island mas ma-empower pa ang mga mangingisda at mabigyan ng bagong kaalaman na makatutulong sa kanila upang magkaroon sila ng karagdagang pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.
Nagpapasalamat naman ang mga mangingisda mula sa tatlong barangay na kinabibilangan ng Balatubat, Minabel at Naguilian sa mga bagong gamit na natanggap nila.
Ang Camiguin Island ay isa lamang sa mga isla ng Calayan Group of Island.
Mula sa San Vicente Port sa Santa Ana, Cagayan, kinakailangang magbiyahe ng higit tatlong oras sa pamamagitan ng bangka bago marating ang Camiguin Island.