Nanganganib na mawalan ng trabaho ang higit 60% ng mga manggagawang Pilipino dahil sa automation at iba pang teknolohiya.
Sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), 18 milyong trabaho ang mawawala sa mga Pilipino sa susunod na lima hanggang anim na taon dahil dito.
Ibig sabihin, ang mga trabahong ginagawa ng tao ay kaya nang gawin ng makina.
Ayon sa TESDA – posibleng maapektuhan ang industriya ng BPO o call center at manufacturing
Payo ni DOLE-Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – dapat mag-upgrade ng skills ang mga manggagawa para sa mga bagong trabahong malilikha.
Sa ngayon, tinututukan na ang mabilis na internet connection, edukasyon, at pagtitiyak na hindi mapag-iiwanan ang mga maliliit na negosyo.
Facebook Comments