Naghihintay na lamang daw ng go signal ang mahigit 60 Pinoy para makatawid sa Rafah crossing patungong Egypt.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, kabuuang 63 na mga Pinoy ang naghihintay na na makatawid sa Egypt mula sa Gaza.
Dahil dito, inihirit na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansang Israel na iprayoridad ang mga Pinoy para makaalis na sa naturang bansa.
Sa ngayon daw kasi ay ipinaprayoridad ng Israel ang mga miyembro ng international organizations at dalawang Pilipino physicians kasama ang Doctors without Borders na napiling umalis ng Gaza at tatawid patungong Egypt.
Samantala, good news naman dahil all accounted na ang 136 na mga Pilipinong nasa Gaza.
Facebook Comments