Manila, Philippines – Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nasa 64 mula sa 82 pulitikong kasama sa listahan ng gobyerno na sangkot sa ilegal na droga ang tumatakbo para sa re-election sa midterm elections.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – ang 64 ay naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) habang ang natitirang 18 ay nagdesisyong hindi magpasa.
Aniya, lahat ng mga pulitikong tumatakbo ay target ang local elective positions.
Dati nasa 83 ang narco politicians subalit isang opisyal ang inalis sa listahan matapos ang pagkaka-aresto ni Mayor Norodin Salasal ng Datu Salibo, Maguindanao noong February 24.
Sa ngayon, tinatapos pa ng PDEA ang revalidation ng narcolist.
Iginagalang din ng PDEA ang desisyon ni Pangulong Duterte na isapubliko ang narcolist.