Abot na sa 637 Local Government Units (LGUs) ang nakakumpleto na ng payout ng ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
58 naman sa kabuuang bilang ang nakapagsumite na ng liquidation reports sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nilinaw ni DSWD Director at Spokesperson Irene Dumlao na wala pang karagdagang pondo ang nai-transfer sa LGUs para sa ikalawang tranche ng financial assistance.
Alinsunod sa guidelines, lahat ng LGUs na nakakumpleto na ng kanilang payouts, kailangang isumite ang kanilang liquidation reports sa loob ng 15 araw kabilang ang encoded list ng SAP beneficiaries.
Magkakaroon pa ng validation ang DSWD sa mga dokumento para madetermina ang eligibility ng benepisyaryo at kung may kaso ng duplication.
Samantala, hindi rin diretsahang masabi ng DSWD kung makakatanggap pa uli ng cash aid sa ikalawang tranche ang mga pamilya na nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Hinihintay pa kasi ng ahensiya ang kautusan ng Pangulo ukol dito.