Higit 600 Magsasakang Apektado ng ASF sa Cauayan City, Natanggap na ang Indemnification Pay

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 631 magsasaka na apektado ng African Swine Fever (ASF) ang nakatanggap ng indemnification pay mula sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.

Ayon kay Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian III at ASF Focal Person, nasa mahigit P20-M ang ipinamahagi sa mga magsasaka sa Cauayan City matapos ang isailalim sa culling ang 4,091 na alagang baboy.

Umaasa naman ang ahensya na hanggang Disyembre 15, 2021 ay makukumpleto na ang distribusyon ng indemnification pay.


Kamakailan ng ibaba ng DA Central Office sa pamamagitan ng Department of Budget and Management ang pondong nagkakahalaga ng P161-M mula sa President’s Contingent Fund para mabayaran ang natitira pang indemnification ng ilang magsasaka.

Facebook Comments