Higit 600 na pulis idideploy sa Pangasinan ngayong Election 2019!

Lingayen Pangasinan – Idedploy ang higit 600 na kapulisan sa buong Pangasinan sa darating na May 13, araw ng eleksyon. Target ng Pangasinan Police Provincial Office ang 0% na krimen sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Provincial Dir. PCol. Wilson Lopez mayroong 612 na kapulisan mula sa iba’t ibang presinto ng Pangasinan ang tutulong sa pagpapanatili ng peace and order sa araw ng election sa buong probinsya. Siniguro naman ni Lopez na sapat ang bilang kanilang hanay upang siguruhin ang kaligtasan ng mga botante at mga gurong magsisilbi sa halalan.

Nanawagan din si Lopez sa mga mamamayan na makipag-tulungan sa kapulisan at lakipan ng panalangin na maayos na magampanan ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Hinimok din nito ang mga botante na bumoto ayon sa konsensya.


Sa ngayon naka full alert na ang Pangasinan PNP para sa eleksyon at sa tuloy tuloy na kampanya nila laban para sa kanilang anti-crime prevention activities.

Facebook Comments