Higit 600 pamilya sa Catanduanes at Camarines Sur, napagkalooban ng cash grant at shelter tool kits ng PRC

Nagsagawa ng relief operations ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Catanduanes at Camarines Sur.

Sa ikatlong pagkakataon ay personal na nagtungo sa Bicol Region si PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, kasama si PRC Ambassador at Miss Universe 2018 Catriona Gray at mga volunteers para masigurong tuloy-tuloy ang rehabilitation efforts para sa mga typhoon-affected families.

Aabot sa P500,000 na halaga ng shelter tool kits at galvanized iron sheets ang naipamahagi sa 61 pamilyang nasira ang bahay dahil sa sunod-sunod na bagyo.


Pinagkalooban din sila ng tarpaulin at sleeping kits bilang bahagi ng shelter rebuilding efforts ng PRC.

Samantala, nasa 200 pamilya naman sa Tigaon, Camarines Sur at 364 pamilya sa Barangay Palnab Del Sur Sa Virac, Catanduanes ang nakatanggap ng tig-P3,500 cash grant.

Katuwang ng PRC sa nasabing relief efforts ang American Red Cross, USAid, International Federation of Red Cross and Red Crescent Movement at Qatar Red Crescent.

Facebook Comments