Higit 600 pasahero, naitalang stranded sa mga pantalan

Umaabot sa 655 pasahero kabilang ang mga truck driver at cargo helper ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG).

Bukod sa mga pasahero, nasa 84 rolling cargoes, 6 vessels, at 10 motorbanca ang stranded bunsod ng masamang lagay ng panahon dahil sa Bagyong Nika.

Anim na vessels at 24 motorbancas din ang pansamantalang nakidaong upang maging ligtas sa epekto ng bagyo.


Sa datos pa ng PCG, nasa 15 pantalan ang apektado ng bagyo partikular sa Southern Tagalog at Bicol Region.

Pinapayuhan ang mga pasahero ng barko na makipag-ugnayan sa mga shipping company para sa updated na schedule ng biyahe o kung may inanunsiyong kanselasyon.

Facebook Comments