
Aabot sa 649 na pasahero, drivers at helpers ang naitalang stranded sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa bunsod ng epekto ng Bagyong Crising.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nasabing bilang ng pasaherong stranded ay naitala sa 29 pantalan.
Bukod dito, may 248 na cargo at 52 vessels ang stranded na rin habang may iba pang 24 na vessel at 12 motorbancas ang pansamantalang nakidaong at hindi pinapayagan maglayag.
Samantala, tinatayang 124 na residente sa Cauayan, Negros Occidental ang sinagip ng PCG dulot ng pagbaha na epekto ng Bagyong Crising.
Nananatili ang mga inilikas sa evacuation center habang patuloy na naka-monitor ang PCG sa lagay ng panahon at sitwasyon sa mga naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments









