Umabot na sa 608 na mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Ito’y matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 37 na karagdagang kaso.
Nasa 851 ang itinuturing na ‘suspect’ at wala namang residente ng lungsod ang itinuturing na ‘probable’.
Aabot sa 88 ang narekober habang 58 naman ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Samantala, nasa 854 na mga residente ng Sampaloc ang isinailalim sa COVID-19 mass rapid test sa kasagsagan ng ipinatupad na hard lockdown ng Lokal na Pamahalaan.
Sa inilabas na report ni Dr. Aileen Lacsamana, Director ng Ospital ng Sampaloc, 834 sa mga ito ay negative habang 20 ang positibo sa COVID-19.
Facebook Comments