Cauayan City, Isabela- Aabot sa 685 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Allacapan, Piat, Camalaniugan, Baggao, Sto. Niño, Lasam, Lal-lo, Gattaran, Rizal at Pamplona ang binabantayan ng DOLE – Cagayan-Batanes Field Office sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Ito ay upang matiyak naipapatupad ang implementasyon ng programa sa probinsya ng Cagayan.
Bahagi naman ng ginawang monitoring ng ahensya ang mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ng mga benepisyaryo at ang matiyak naman na nagagawa ng tama ng mga ito ang kanilang trabaho sa ilalim ng programa.
Facebook Comments