Cauayan City – Umabot sa higit 6000 indibidwal ang naapektuhan ng pagsalanta ni bagyong Nika sa lungsod ng Cauayan.
Sa inilabas na Situational Report ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan, 1,983 na pamilya na binubuo ng 6,735 na indibidwal mula sa 42 Barangay ang naapektuhan ng paghagupit ng bagyong Nika.
Dahil sa naging epekto ng bagyo kung marami sa mga barangay sa Lungsod ang nabaha, karamihan sa mga ito ay pansamantala pa ring namamalagi sa iba’t-ibang evacuation centers.
Maliban dito, umabot naman sa 50 tahanan sa lungsod ang bahagyang napinsala habang dalawa naman ang naitalang totally damaged.
Puspusan naman ang ginagawang pamamahagi ng relief packs ng LGU Cauayan katuwang ang CSWD sa mga Cauayeñong naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments