Higit 6,000 indibidwal, naitalang gumaling sa COVID-19 sa buong bansa

38

Aabot sa 6,852 ang panibagong gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, sumampa na sa 1,149,010 ang kabuuang recoveries sa bansa.


Nasa 7,058 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,223,627 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sumampa naman sa 20,860 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 139 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 53,757 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong gumaling sa COVID-19 sa mga Pilipino sa ibang bansa.



Dahil dito, nananatili sa 12,004 ang recoveries sa mga Pinoy sa abroad.


Nasa 19,720 naman ang kabuuang kaso, 1,179 ang bilang ng nasawi at 6,537 ang nagpapagaling sa mga pinoy sa abroad.

Facebook Comments