HIGIT 6,000 NA KABATAAN SA CAGAYAN, NABENEPISYUHAN SA 3RD TRANCHE NG PAMAMAHAGI NG MANOK

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 6,616 na mga kabataan mula sa labing isang bayan sa Cagayan ang nabenepisyuhan sa pangatlong tranche ng chicken dispersal sa ilalim ng “MagsaKabataan” program ng pamahalaang panlalawigan.

Ang buy-back operation ng 3rd tranche ng native chicken dispersal ay natapos na sa labing isang (11) mga bayan sa Cagayan na kinabibilangan ng Calayan, Aparri, Rizal, Piat, Lal-lo, Sanchez Mira, Gattaran, Gonzaga, Alcala, Sta. Ana at Sta. Teresita.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga kabataang nasa edad labing walo hanggang tatlumpung taong gulang ay nabigyan ng aalagaan na tig-dalawang (2) inahin at isang rooster o tandang.

Dito ay nagsilbing supplier ng manok ang mga dati nang nag-alaga o recipients sa 1st at 2nd tranche ng programa kung saan ay nakapag-produce na sila ng mga aalagaing manok na aabot sa 26,464 native chickens.

Ang “MagSAKAbataan” program ay nakapaloob sa No Barangay Left Behind (NBLB) na isa sa pangunahing programa ni Gov. Mamba na inilunsad noong March 2020 na may layong makatulong sa mga kabataan ganun na rin sa kanilang mga magulang ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments