Higit 6,000 na OFWs at seafarers, nabakunahan kontra COVID-19 sa tulong ng Philippine Red Cross

Patuloy pa rin ang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) para sa mga kababayan natin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

 

Ito ay matapos mabakunahan kontra COVID-19 ang 6,870 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers sa tulong ng Red Cross.

 

Ayon kay PRC Health Services Manager Mark Abrigo, aabot sa 3,148 na indibidwal ang nabakunahan ng first dose ng Moderna vaccine at 2,032 naman ang naturukan ng second dose sa mga bakuna centers na nasa NCR, Cebu, Iloilo at Davao.


 

Habang 3,722 naman dito ay nabakunahan ng Johnson&Johnson COVID-19 vaccine.

 

Kasunod nito, hinikayat naman ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon ang mga kababayan na magpabakuna kontra COVID-19 upang mas marami pang buhay ang mailigtas.

 

Inilapit na ito mismo sa EDSA kung saan nagbukas ng dagdag bakuna center upang mapaunlad pa ang kapasidad at masuportahan ang gobyerno sa National COVID-19 Vaccination Program.

 

Sa huling datos ng PRC, nasa higit 230,000 na indibidwal na ang nabakunahan mula sa 16 na bakuna buses at 21 na PRC Bakuna Centers sa buong bansa.

Facebook Comments