Pinagkalooban na ng Emergency Shelter Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 6,496 pamilya sa Cagayan at Isabela na nawalan ng tahanan dahil sa nagdaang bagyong Ompong.
Ayon sa DSWD, kabuuang P194.8 million pondo ang inilabas ng ahensiya para sa mga benepisyaryo sa 14 na munisipalidad sa Cagayan at walong munisipalidad naman sa Isabela.
Bukod sa shelter assistance, asahan din ng mga biktima ni Usman na magpapatupad din ito ng cash-for-work program na makakatulong sa kanila na makabagong sa kanilang kabuhayan.
Hiwalay na popondohan ito ng DSWD ng P62.762 million at pangunahing trabaho na iaalok ay ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura at pasilidad sa kanilang komunidad.
Buwan ng Setyembre ng nakalipas na taon ng mag-landfall at hagupitin ni bagyong Ompong ang Cagayan Valley at mga kalapit lalawigan at nagdulot ng pinsala sa kabuhayan at ari-arian ng mga residente doon.