Higit 60,000 Beneficiaries sa Region 2, Posibleng Maayudahan sa DOLE CAMP 2

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa kabuuang 62,428 beneficiaries mula sa lambak ng Cagayan ang inaasahang mabebenepisyuhan ng DOLE’s CAMP 2 sa ilalim ng R.A. 11494 or the Bayanihan to Recover as One Act.

Una nang naipatupad na mabigyan ang nasa 22,000 beneficiaries na may kabuuang halagang P110,000,000.

Sa ilalim ng CAMP 2, tatanggap ng ayuda ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) na nag-apply para sa CAMP 1 noong Abril 15 subalit natigil ito ng magkaroon ng kakulangan sa budget.


Ayon sa DOLE, kahit hindi kasama sa kategorya ng MSME ang isang indibidwal na hindi nakakuha noong unang bugso ng ayuda ay maaari pa ring makakuha ng assistance.

Maliban sa mga MSMEs at hindi kasama sa nakategorya ng ahensya ay maaari ding mag-apply at sasailalim sa evaluation.

Ayon kay Regional Director Atty. Evelyn Ramos, asahan na ang kanilang ahensya ay magsisimula na ang pagpapatupad nito sa mga susunod na araw habang inaayos ang online system dahil sa posibleng dagsa ng mga aplikanteng gustong maging bahagi ng program.

Para mapigilan ang pangamba ng publiko dahil sa pandemya, ilan sa mga documentary requirements ay maaaring magsumite online sa pamamagitan ng reports.dole.gov.ph at hintayin lamang na mabigyan ng tracking number para tingnan ang estado ng kanilang aplikasyon.

Sa ilalim pa rin ng CAMP 2, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay tatanggap ng P5,000.

Bukod dito,hindi pa rin kasama sa mga mabebenepisyuhan ang ilang empleyado ng gobyerno, education personnel at mga benepisyaryo ng DOF’s SBWS, SSS Unemployment Benefit, DSWD’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program at AICS, DA’s Cash Assistance para sa Rice Farmers na may kabuuang kita na higit P40,000, maging foreign national maliban sa Persons of Concerns.

Facebook Comments