Higit 60,000 na mga indibidwal, apektado ng Bagyong Dodong sa Region 1, 3, MIMAROPA, 5, at NCR

Pumalo na sa 64,802 na mga indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Dodong batay sa talaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon sa DSWD, katumbas ito ng 19,241 na pamilya na mula sa Region 1, 3, MIMAROPA, 5, at Metro Manila.

Base sa talaan, aabot sa 424 na pamilya o katumbas na 1,660 na indibidwal ang namamahagi sa evacuation centers.


Ayon sa DSWD, nasa siyam na bahay ang tuluyang nasira habang 37 naman bahagyang nasirang mga bahay.

Paliwanag ng DSWD, sa kabuuan ay nasa ₱1.5 million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng DSWD kasama ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments