Tinatayang nasa higit 600, 000 ang bilang ng mga nabakunahan sa nagpapatuloy na ‘Bayanihan, Bakunahan’ III.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, na 13% pa lamang ito mula sa target na limang milyong indibidwal na mabakunahan ngayong ikatlong yugto ng national vaccination days.
Isa aniya ito sa mga dahilan kung bakit palalawigin hanggang sa February 18 ang bakunahang ito.
Sa ganitong paraan, mas mabibigyan ng panahon ang publiko na tumungo sa mga vaccination sites at magpabakuna.
Sila naman aniya sa NVOC ay patuloy na inaaral ang mga dahilan kung bakit mababa ang turnout ng vaccination program sa ibang lugar sa bansa.
Facebook Comments