Higit 600,000 OFW, humingi ng tulong mula sa DOLE

Umabot sa higit 600,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang humihingi ng tulong dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa 604,403 onsite at repatriated OFWs ang humihiling na mabigyan ng cash aid at nasa 272,000 OFWs ang naaprubahan na ang kanilang request.

Ang DOLE ay nagbibigay ng one-time $200 at ₱10,000 assistance sa ilalim ng Abot Kaya ang Pagtulong (AKAP) program sa mga migrant workers na apektado ng pandemya na may kabuuang pondo na nasa 2.5 billion para sa 250,000 OFWs.


Ayon sa DOLE, malapit nang maubos ang pondo kung saan nasa 2.436 billion pesos na ang naipamahagi sa 237,778 OFW beneficiaries.

Facebook Comments