Higit 600K na deactivated voters, muling nakasama sa listahan ng mga botante sa Comelec

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa higit 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation upang makaboto para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, inaasahan nila na mas dadami pa ang mag-aapply bilang bagong rehistradong botante at lalong-lalo na ang mga na-deactivate.

Ang deadline para sa online na aplikasyon para sa reactivation ay pinalawig mula Setyembre 7, hanggang Setyembre 25, 2024.


Ang mga dahilan para sa pag-delist ay ang hindi pagboto sa dalawang magkasunod na naunang regular na halalan, sa pamamagitan ng utos ng hukuman, pagkasawi at pagkakaroon ng mga hindi wastong dokumento.

Muli naman paalala ng Comelec para sa deactivated voters na mag-apply para sa reactivation kung saan maaari nila itong gawin online hangga’t mayroon silang kumpletong biometrics sa lokal na tanggapan ng Comelec kung saan sila nagparehistro.

Facebook Comments