SAN FERNANDO, LA UNION – Isinagawa ng DTI Regional Office 1 at DTI La Union Provincial Office ang ceremonial destruction ng mga nakumpiska at mga uncertified products ng iba’t ibang establisyemento, kasabay ito ng selebrasyon ng Consumer Welfare Month.
Pinangunahan naman ang ceremonial destruction nina DTI Regional Director Grace Falgui-Baluyan at ilan pang kawani ng ibang ahensiya.
Ang mga uncertified products na nakumpiska ng kagawaran ay umaabot sa PhP 62,155.00. Kinabibilangan ito ng produkto sa merkado na walang required markings tulad ng Sanitary Wares (Toilet bowls), Monobloc Chairs, GI Wires, LPG Tank, PVC Pipes, Christmas lights, Lighters, Electrical tapes at outlets.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipaalala sa mga business establishments at mga consumers sa kahalagahan ng pagsiguro sa mga produkto na kanilang produkto na binibili at ibinebenta na dumaan sa standards-conformant at government-certified para maiwasan ang posibilidad makalikha ng mga aksidente sa tao.###