HIGIT 60K NA TILAPIA FINGERLINGS, IBINAHAGI SA MGA FISHPOND OWNERS SA BAYAN NG POZORRUBIO

Matagumpay na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang mga tilapia fingerlings bilang start-up sa pagnenegosyo ng mga mangingisda sa bayan.
Umabot sa kabuuang 66, 040 o nasa 254 na bags ng tilapia fingerlings ang naipamahagi sa 51 na mga fishpond owners mula sa mga barangay ng Amagbagan, Banding, Batakil, Cablong, Casanfernandoan, Dilan, Don Benito, Maambal, Malokiat, Poblacion II, Rosario, Sugcong and Talogtog.
Ang naturang fingerlings ay bilang bahagi ng kanilang pag-uumpisang muli sa kanilang

pangunahing negosyo sa pangingisda upang mas matulungan ang kanilang pamumuhay.
Ang mga maliliit na tilapia ay nagmula pa sa bayan ng Lingayen at binili ng LGU para sa kanilang mga residente. |ifmnews
Facebook Comments