Higit 61 lungsod, handang bumili ng COVID-19 vaccines

Umabot pa sa 61 mula sa 146 lungsod sa bansa ang handang bumili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay League of Cities of the Philippines President Bacolod City Mayor Evelio Leonardia, layon nila na matulungan ang national government sa pagbili ng bakuna para sa kanilang constituents kontra sa COVID-19.

Sabi pa ni Leonardia, walong vaccine manufacturer ang kanilang kinakausap ngayon para sa procurement ng mga bakuna.


Una nang inaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang panukala ng mga Local Government Units (LGUs) na lumagda ng tripartite agreements sa national government at sa vaccine manufacturers.

Facebook Comments