HIGIT 62K ANIMAL BITES SA ILOCOS REGION, NAITALA SA UNANG KWARTER NG 2025

Sa unang tatlong buwan ng 2025, umabot sa 62,638 ang naitalang kaso ng kagat ng hayop sa rehiyon.

Mula Enero 1 hanggang Hunyo 21, limang kaso ng rabies ang naitala: tatlo sa Pangasinan at tig-isa sa Ilocos Sur at La Union.

Dahil dito, nanawagan su DOH Region 1 Director Paula Paz Sydiongco na kailangan ng sama-samang aksyon mula sa iba’t ibang sektor tulad ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga indibidwal, at mga komunidad upang makamit ang layunin ng kampanya kontra rabies.

Hinimok niya ang mga opisyal ng barangay na tiyakin na walang mga ligaw na aso sa kanilang mga nasasakupan.

Binanggit din niya na nagbibigay ang mga lokal na pamahalaan ng libreng bakuna laban sa rabies para sa mga aso at pusa, pati na rin ng iba pang serbisyong beterinaryo.

Hinikayat ni Sydiongco ang lahat ng regional coordinators na irehistro ang lahat ng animal bite treatment centers at animal bite centers sa National Rabies Information System (NaRIS) upang matiyak ang maagap na pag-uulat ng mga kaso sa lahat ng antas.

Sinabi rin niya na hindi dapat mag-alala ang mga biktima ng kagat ng hayop sa gastos ng bakuna dahil may nakalaang animal bite package ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Samantala, hanggang nitong Hunyo 14, nakapagtala ng 159 kaso ng rabies sa buong bansa, mas mababa kumpara sa 220 kaso sa parehong panahon noong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments