Kaugnay sa papalapit na pagsasagawa ng Local at National Election 2022, inihayag ng COMELEC Dagupan na puspusan ang kaliwa’t kanan na paghahanda ng mga ito maging ang pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas’.
Sinabi ni Atty. Michael Frank Sarmiento, City Election Officer ng Dagupan City, nakapagsagawa na sila ng dalawang serye ng ‘Regionwide Oplan Baklas’ noong buwan ng Marso at ngayong Abril.
Sa pagsasagawa nito ay umabot sa higit kumulang na anim na libo ang unlawful na mga campaign materials and paraphernalias ang kanilang binaklas sa iba’t ibang sulok ng lungsod ng Dagupan.
Dagdag nito na nakasabit ang mga ito sa mga poste ng kuryente at telcos, puno at ilan pang public places na hindi sakop ng common posting areas.
Itatabi naman nila ang mga nakumpiskang materials upang may magamit sakaling magkaroon ng presentation of evidences sakaling may magsampa ng kaso sa isang kandidato na lumabag sa pagdidikit ng campaign materials.
Kabilang sa mga binabaklas dito ay ang mga oversized na posters, black propaganda at iba pa. | ifmnews
Facebook Comments