HIGIT 6K NA SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG MANGALDAN, PINAMAHAGIAN NG CASH GIFT

Pinamahagian ng cash gift ang higit anim na libong Senior Citizens sa bayan Mangaldan mula sa lokal na pamahalaan nito.
Sa pamumuno ng alkalde ng bayan, katuwang ang ilang kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Community Affairs Office (CAO) at Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), matagumpay na naibigay ang pamaskong handog para sa mga Senior Citizens, mula sa iba’t ibang barangay.
Handog ito ng LGU Mangaldan sa mga senior citizens na hindi tumatanggap ng kahit anumang benepisyo o pensiyon.

Sa mensahe ni Mayor Parayno, pag-ibayuhin daw ng mga seniors ang pag-iingat lalo na ngayong kapaskuhan.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi para sa mga natitira pang barangay. |ifmnews
Facebook Comments