Higit 70 Dating Rebelde, Binigyan ng Tulong

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tig-dalawampung libong piso (Php20,000) ang pitumput tatlong (73) mga dating rebelde sa Lambak ng Cagayan.

Tatlumpu’t siyam (39) sa mga ito ay mula sa Lalawigan ng Isabela at tatalumpu’t apat (34) ay mula sa Cagayan.

Ang tulong pinansyal ay mula sa sustainable livelihood program ng DSWD bilang bahagi ng pagpapatupad sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).


Ayon kay Assistant Regional Director Lucia Allan ng DSWD Region 2, layon ng programa na tulungan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan na pag-ibayuhan pa ang kanilang kabuhayan.

Tao puso naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil sa pagtulong ng gobyerno para sila’y mamuhay ng normal kapiling ang kanilang pamilya.

Umabot na sa 1.46 milyong piso ang pinansyal na tulong sa mga dating rebelde.

Facebook Comments