Higit 70 katao na sumailalim sa Swab Test sa Cauayan City, Nagnegatibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Hindi bababa sa 79 katao ang sumailalim sa swab test makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang tindera sa pamilihang lungsod ng Cauayan na residente ng Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay City Councilor Edgar ‘Egay’ Atienza, tanging limang (5) katao lang ang nagpositibo virus mula sa nasabing bilang kung kaya’t laking pasasalamat ang maagap na pagtukoy ng mga health authorities sa mga nagkaroon pakikisalamuha sa pasyente.

Tanging pakiusap lang ni Atienza sa publiko na iwasan ang diskriminasyon sa mga taong nagpopositibo sa virus at kalauna’y nakakarekober naman dahil mahirap aniya sa kanilang parte ang hindi inaasahang sitwasyon.


Samantala, nagkaroon ng ilang pagbabago sa pagpasok at paglabas sa nasabing palengke na dati rati ay isa lang ang papasukan gayundin ang paglalabasan ngunit ngayon ay ginawa na itong apat (4) para sa entrance at exit point.

Hiniling naman ng konseho sa pamunuan ng Primark Market na kung maaari ay bawasan ang renta ng mga tenant na apektado ng ilang araw na pagsasara nito bunsod ng may nagpositibong tindera.

Bukod dito, balik-operasyon na rin ang slaughter house sa lungsod makaraang mapasama sa bilang ng mga na-swab test ang isa sa mga butcher na residente sa nasabing barangay.

Hinihikayat naman ng opisyal ang publiko na ugaliing sundin ang mga panuntunan upang makaiwas sa banta ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments