Higit 70 Kilo ng Hot Meat, Nakumpiska sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 77.26 na kilo ng hot meat ang matagumpay na nakumpiska ng mga tauhan ng Cauayan City Veterinary Office mula sa bisinidad ng Lungsod.

Resulta ito ng kanilang regular na implementasyon sa RA 10536 o Meat Inspection Code of the Philippines.

Ang mga nakuhang itinitindang hot meat o mishandled na karne ng baboy ay nakumpiska mula sa mga pampublikong pamilihan at sa mga talipapa ng iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Cauayan.


Kaugnay nito, agad din na dinidispose ng City Veterinary Office ang mga nakukumpiskang hot meat.

Facebook Comments