Higit 70 milyong Pilipinong target na mabakunahan sa katapusan ng taon, malaki pa ring hamon – Galvez

Nananatiling hamon sa pamahalaan sa kanilang COVID-19 immunization program ang target nitong mabakunahan ang 77.75 million na Pilipino sa katapusan ng taon.

Para makamit ang herd immunity sa katapusan ng taon, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kailangan nilang mabakunahan ang 77,746,906 na Pilipino o 70-porsyento ng kabuoang populasyon ng bansa.

Ang total population ng Pilipinas ay nasa higit 111 milyon.


Mula nitong July 11, nasa higit 13 milyong doses pa lamang ang nagamit ng pamahalaan at 3.5 million Filipinos pa lamang ang fully vaccinated o 4.54% ng kabuoang populasyon.

Nasa 9.6 million naman ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, ang kabuoang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa ay nasa 20.7 million.

Facebook Comments