HIGIT 70% NG LA UNION, NAIBALIK NA ANG SUPLAY NG KURYENTE

Nanumbalik na ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng La Union matapos ang abot dalawang linggong kawalan dulot ng pananalasa ng Bagyong Emong.

Dahil sa lawak ng pinsala sa mga natumbang poste at naputol ng kable ng kuryente sa lalawigan, mahaba-habang proseso ng pangungumpuni ang inabot ng electric service provider.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, nasa 70.64 porsyento na ang may kuryente.

Base sa talaan ng electric service provider, pinakamaraming barangay sa San Fernando City ang naayos na ang linya, maging sa mga bayan ng San Juan at Bauang.

Tiniyak naman ang puspusang assessment ng pinsala at agarang pagsasaayos o pagpapalit ng poste kung kinakailangan.

Hiling naman ng electric company ang pang-unawa ng publiko habang nagpapatuloy ang pangungumpuni dahil isinasaalang-alang din ang kaligtasan ng mga manggagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments