Sinibak sa pwesto ang higit 70 pulis dahil sa kasong Administratibo.
Ayon sa Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS), nakatalaga ang mga pulis sa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.
Na-demote naman ang nasa limang pulis habang 13 ang sinuspinde mula February 3, 2017 hanggang August 31, 2019.
Tiniyak naman ni PNP Chief General Oscar Albaylde na paiigtingin pa ang kanilang Counter-Intelligence effort laban sa mga pasaway na pulis.
Facebook Comments